Company Uniforms Hindi Dapat Sinisingil sa Empleyado Ayon sa DOLE - Daily News | Everything about Philippines

Daily News | Living and Loving Philippines

Breaking

Home Top Ad

Klook.com

Post Top Ad

March 8, 2018

Company Uniforms Hindi Dapat Sinisingil sa Empleyado Ayon sa DOLE

Sa isang post na Facebook page ng Department of Labor and Employment o DOLE, sinabi ng ahensya na hindi dapat sinisingil sa empleyado ang pangbili ng company uniform.



Ayon sa post, sakop ng Labor Advisory No. 11 Series of 2014 ang regulasyon na hindi kumpanya dapat ang magbayad ng uniporme ng kanilang empleyado. Hindi rin dapat humihingi ng cash deposit ang kumpanya for any loss or damage, kasama na ang mga kagamitan para sa safety ng empleyado o Personal Protective Equipment (PPE).

In the post, DOLE said "Company uniforms shall not be paid by employees" in reference to Labor Advisory No. 11 series of 2014. But aside from that, other fees such as training fees, PPEs or personal protective equipment, cash deposits for any loss or damage, capital share or capital build-up in service cooperatives and other fees or deductions not included in their list.

Maging ang mga training fees, capital share o service cooperatives ay hindi dapat sinisingil o ibabawas sa sweldo ng empleyado. Maliban nalang sa ilang business na pinapayagan mag deduct sa empleyado ng mga fees o deduction tulad ng private security agency.

Dapat din natin malaman na ang mga deduction sa sweldo ng isang empleyado ay hindi dapat lalagpas sa 20% ng sweldo ng isang empleyado kada linggo. Kapag lagpas dito ang siningil, kailangan ay may permiso ang kumpanya sa DOLE.

Sa mga kumpanya naman na nagkolekta ng cash deposit, kailangan itong maisauli sa empleyado bago lumagpas ng sampung araw matapos nyang umalis sa kumpanya. Kung ang empleyado naman ay may nasira or nawalang gamit ng kumpanya, posibleng panagutin ang empleyado. Ngunit ang presyo ng sisingilin ay hindi dapat lumagpas sa actual na loss o damage price ng nasirang gamit.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito o basahin ang post ng DOLE.


 

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad