Sa Middle East, pinaka-kailangan nila ang engineers, general work at mga empleyado na may experience sa restaurant service. Sa Asia naman, kailangan nila ng maraming empleyado na may experience sa manufacturing, production operations, engineer related at maging general work. Sa U.S.A naman, mas nangangailangan sila ng empleyado na may experience sa restaurant service at experience sa engineer related work ayon sa workabroad.ph.
Mga Trabaho na May Malaking Sweldo
Ang mga healthcare professionals, sea and land based engineers at IT professionals na nagiisip magtrabaho abroad ay makakaasa na mataas na suweldo. Ayon sa WorkAbroad.ph, ang health care professionals sa Middle East gaya ng doctor ay maaring kumita ng 86,000 a month, nurse ay aabot ng 65,000 a month at ang veterinarians ay 58,000 a month.Ang mga engineers ay maaring kumita ng hanggang 99,000 a month depende sa trabaho. Ang chief engineer ay 96,000, chief officer ay 92,000 a month sa U.S.A. Sa Middle East at Asia Pacific naman, maaring kumita ang empleyado na may experience sa engineer related work ng lagpas 50,000 pesos sa isang buwan.
Para naman sa IT professionals, maaring kumita ang isang aplikante na may 0 to 4 years ng experience ng 54,000 a month sa mga bansa sa Asia.
Also Read: How to Apply for Work Abroad Online
No comments:
Post a Comment