Masama nga ba ang Pag-inom ng Kape?
Ayon sa isang ulat ng Time.com, ang acrylamide na chemical na nakikita sa kape ay hindi 100% na nagdadala ng cancer sa mga tao. Base sa mga animal research, ang chemical ay naging sanhi ng pagkasira ng DNA na posibleng mapunta sa pagkakaroon ng cancer. Ngunit, hindi ito napatunayan na mangyayari din sa mga tao.
Bagamat walang patunay na nag uugnay sa acrylamide at cancer sa tao, ang resulta na nakita sa animal research ay hindi dapat balewalain.
Antioxidants na Nakikita sa Kape: Nakakapag Prevent ng Cancer?
Marami rin ang nagtatanong, hindi ba't ang mga kape ay may antioxidants na tumutulong sa katawan ng tao na labanan ang mga cancer-causing molecules? Ito ay totoo kaya naman ang kape ay may maganda rin na naidudulot sa katawan.
No comments:
Post a Comment