PhilHealth Magbibigay na ng Libreng Serbisyo sa Mga Batang may Kapansanan - Daily News | Everything about Philippines

Daily News | Living and Loving Philippines

Breaking

Home Top Ad

Klook.com

Post Top Ad

April 16, 2018

PhilHealth Magbibigay na ng Libreng Serbisyo sa Mga Batang may Kapansanan

Magkakaroon na ng libreng serbisyo ang PhilHealth para sa mga batang may kapansanan. Ang libreng serbisyo na matatanggap ay therapy at assessment para sa mga batang 17 years old at pababa. Inaasahan na magsisimula na ang libreng serbisyo na ito sa mga susunod na buwan.



Ayon sa ABS-CBN news, may dalawang uri ng libreng serbisyo ang ibibigay ng PhilHealth sa simula. Ang una ay para sa mga batang may developmental disabilities gaya ng ADHD at Cerebral Palsy na 17 years old at pababa. Ito ay magbibigay ng libreng assessment at 90 sessions of rehab therapy kada taon.

Ang ikalawa naman ay benepisyo para sa mga batang may mobility impairment na makakatanggap ng libreng prosthesis, wheelchair at iba pa. Ngunit, sabi ng PhilHealth, lahat ng batang may disability ay makakatanggap ng benepisyo pero kailangan ay mabigyan sila ng authorization galing sa PhilHealth. Wala pang buwan na inanunsyo kung kelan itong bagong serbisyo ay magsisimula ngunit inaasahan na ito ay ma implemente sa mga susunod na buwan.

Ang bagong serbisyo na ito ay napakagandang balita para sa ating mga Pilipino. Makakatulong ito sa pagbigay ng malaking ginhawa at magandang development para sa mga batang may kapansanan. Bagamat marami ang umaasa na mabigyan rin ng parehong benepisyo ang mga may kapansanan na mahigit 17 years old, ito ay magandang simula.

Ang pagbibigay ng maayos na assessment at therapy sa isang batang may kapansanan ay hindi lang makakatulong sa kanyang pag development kung hindi maging ang kanyang buhay hanggang sa siya ay tumanda. Kapag na-assess ng tama ang isang bata, magagawa ng magulang ang tamang therapy para mapabuti ang kalagayan ng bata.


No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad