PAALALA: Bawal Na Dumaan sa Edsa ang mga Kotse na Driver Lang ang Sakay sa Miyerkules - Daily News | Everything about Philippines

Daily News | Living and Loving Philippines

Breaking

Home Top Ad

Klook.com

Post Top Ad

August 11, 2018

PAALALA: Bawal Na Dumaan sa Edsa ang mga Kotse na Driver Lang ang Sakay sa Miyerkules

Simula August 15, 2018, ipagbabawal na ng MMDA dumaan sa EDSA ang mga kotse na driver lang ang laman. Hindi nasabi kung ano ang kaparusahan kapag nahuli ang isang driver na walang kasama sa kotse dahil ang ito ay nasa trial phase pa lamang. Ibig sabihin, hindi pa ito permanente at ipinapatupad lamang ito para makita kung maganda ang epekto sa EDSA lalo na tuwing rush hours.



Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, ipatutupad ito gamit ang no-contact apprehension policy. Ang polisiya na ito ay nangangahulugan na gagamitin ang mga CCTV sa Edsa upang matukoy ang mga kotse na lumabag. Padadalhan na lamang ng note ng MMDA ang nahuli para iayos ang kanilang violation. Ang mga kotse na huhulihin o sisilipin lang ng MMDA ay ang mga kotse na may masyadong madlim na tint.

Ang mga oras kung kailan ipapatutupad ang ban na ito ay magsisimula ng 7 am to 10 am at 6 pm to 9 pm.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad